walang pamagat 1

naupod and trackpad ko sa pagdrowing nito. via graffiti on facebook.

Advertisements

para kay

Sinusubukan kong magsulat ng fiction para sa klase.  Matagal ko nang gustong magsulat, pero lagi akong natatakot magsimula. Hindi rin ako dating nagpapabasa, kahit sa mga taong laging nagpapabasa ng gawa nila sa’kin (kung isa ka doon, sorry. haha!).

‘Yung isiping babasahin ako, medyo weird ‘yun para sa’kin.  Bukod diyan, mula sa all girls na school, napunta ako sa co-ed, at sa kung papaano bang paraan, puro lalaki ang nakilala kong nagsisipagsulat!!! Susko. Kaya mula 1st yr hanggang 4th yr, hindi ko inamin kahit kanino na gusto kong magsulat, kahit sa sarili ko.

Tungkol ang entry na ‘to sa taong dahilan kung bakit nagsisimula ako ulit na sumulat, paborito kong manunulat, at unang nakabasa ng isinulat ko.

'the reader'

Medyo “pilitan” ang una kong naisulat na kuwento; kahit matagal ko nang gustong isulat ‘yon, hindi ko naisip na ipabasa. Napanood ko siya noong unang binasa niya ang kuwento ko, sa mismong laptop kung saan isinulat ko. Naisip ko, sa sobrang galing niya, baka pare-parehas na lang lahat ‘yon sa kanya, ine-encourage na lang ako dahil parehas na rin kaming inaantok noong panahon na ‘yon.

Pero pagkatapos niyang basahin, sinabi niya kung paano niya ‘nabasa’ ‘yung isinulat ko. Nakuha niya ang mga gusto kong sabihin, at marami rin siyang di napansin. Pero higit sa lahat, sa pamamagitan ng kung anong himala o agimat, nakalimutan ko na lalaki siya (hindi naman sa sinasabi kong masama kung naramdaman kong lalaki siya, pero medyo scary para sa akin noon ‘yon, at weird, ewan ko ba! natakot ako kasi AKALA ko lalaki siya  XD).

Gusto ko ang pakiramdam ng binabasa nang ganoon, parang pag-ibig. Wahahahaha! Kaya gusto ko ulit na makasulat, pagkatapos ng isang mahabang hiatus at pagpapatalo sa kahinaan ng loob. Siguro balang araw, maipapabasa ko ulit sa kaniya, ewan ko lang kung kailan. Pero sa lahat ng maisusulat ko, malamang na laging iisipin ko kung ano’ng iisipin niya tungkol sa gawa ko.

Kaya ito, nagsusulat ako ng blog entry, imbes na tapusin ‘yung kuwentong sinusulat ko ngayon. XD

ANYWAY, in an unrelated note, HETO ang isang bagay na baka kailangan ngayon ng marami.


may klase kaming ‘home making’ noong grade 5

Nitong huli lang, nagsimula akong sumpungin ng kagustuhang mag-asawa na. Ganito din ang nangyayari sa isang pinsan ko. Weird. Hindi lang naman siguro ‘to dala ng loneliness o bitternes xD. Hindi sa ideya ng lalaking aasawahin ako nae-excite, dahil nawiwirdohan naman akong mag-imagine ng asawa na wala sa larawang ito:

Kung baga sa math, parang FUNCTION lang ‘yung asawa; ang kinae-excite ko ay ‘yung buhay sa loob ng bahay, o sa kusina, o sa grocery habang namimili ng mga iluluto para makain ko at ng mga anak ko. Gusto kong nag-iisip tungkol sa iluluto. Natutuwa ako kapag natututo ako ng mga sikreto gaya ng kung paanong gawing perperktong bilog ang dilaw na part ng itlog. Gusto ko rin ng dalawang anak, babae at lalaki, para turuang magbasa at magsulat, panooring matutong magsalita at sumagot (at sa naka-misread… hindi, hindi ko “pangarap” maging mabuting ina, gusto ko lang magkaanak. huwag maging madrama). Gusto ko ‘yong drama na ‘yon, isang okupasyon na puro damdamin at katawan ang puhunan.

bumili lang si ryo sandali xD

Bukod sa mga magaling sa kung saan-saang larang gaya nina Vermeer at Michelangelo sa art, Einstein at Hawking sa physics, Derrida sa philosophy, Dumbledore sa pagiging astig na wizard at maraming mga manunulat, marami akong idol na maybahay na, gaya ng ginagawa ko sa mga artist, sinusubukan gayahin. ‘Yung Tita ko na nagagawang mahilig sa gulay ang mga anak niya. ‘Yung lola ko sa tuhod na kayang gumawa ng gravy na mas masarap pa sa gravy ng KFC. ‘Yung isa kong Tita na magaling mag nailpolish at magtirintas ng buhok. Si Sunako na alam  lahat ng gagawin tuwing inaamag ang tiles sa banyo, o malungkot ang apat na housemates, o gutom si Kyouhei. Kasama sa mga gusto kong gawin sa buhay ang mga nagagawa nila.

Hindi ko alam kung paanong naging housewife ang tawag sa housewife pero nawiwirdohan ako sa word na ‘yon. Parang “wife na nasa house“; nai-imagine ko pa lang, nakaka-losyang na kaagad. Mas astig yata ‘yung MAYBAHAY, o kaya HOMEMAKER (gaya ni Sabine sa The Good Marriage); ikaw ang master ng bahay, hindi ka lang nasa loob nun. Patatakbuhin mo siya at in time, magagamay mo ang lahat ng tungkol sa kanya, sa parehas na paraan na magagamay ni Willie Revillame ang buong set ng Wowowee.

Hindi nga lang “trabaho” ito na puwedeng pag-apply-an at ipagmalaki sa magulang ko na ito, ITO NAHH POHHW!!!, ito na ang napili kong pagbuhusan ng oras para maperpekto (umm, eh ito nga yata ang iniiwasan ng mga Tatay na kapuntahan mo kaya ayaw ka nilang mabuntis). Hindi naman sa wala akong gustong gawin bukod sa pagiging maybahay, pero paano kung may mga tao sa henerasyon ko na ito lang ang gustong gawin sa buhay? Meron din kayang lalaki na ganito ang gustong trabaho? Hmmm…


bugtong

may mga nagbubugtungan sa internet. astig lang. haha. makipagbugtungan kung gusto mo. nandito:

TELEPORT ME!


miss miss, sa loob ng jeepney

Mahirap mapakali sa loob ng jeep na ginagawang siyaman kahit pang-walo lang talaga. Ang hirap mag-balance ng puwit lalo na kung saktong ikaw ang na-‘out’. Pero lalo pang mahirap kapag babae ka at medyo maselan sa mga lalaki, dahil maraming bagay na hindi puwedeng i-demand nang basta-basta sa sasakyang pang-‘third world’:

1. Gaya ng personal space. Kahit parang maghahalikan na kayo, hindi mo puwedeng basta-basta pagbintangan ang lalaking katabi mo na ginagamit niya ang namana niyang kapangyarihan ng male dominance para i-invade ang espasyo mo. Masikip talaga, at kailangan niya ring lumingon-lingon para masilip kung malapit na siyang bumaba.

2. Isa sa mga pinaka-nakakairita pero awkward na moments sa pagsakay sa jeep ay ang pagdukot ng katabi mong lalaki sa bulsa niya para kunin ang pambayad, lalo na kung sobrang sikip at parang nararamdaman mo na rin ‘yung kamay niya sa mga barya mo sa bulsa. Puwede kang magsabi ng “tsk” at mang-irap pero parang ang sungit naman ng dating mo noon, feeling mo ang luwag-luwag. Minsan, may mga nagso-sorry sa’kin at nagpapakita talaga ng mukhang “sori-mis-hindi-ako-manyak,” tipong ganun (pwede niyo naman kasing ihanda kaagad bago sumakay… :/).

3. Hindi ka rin pwedeng mag-reklamo kung hahawakan ng driver ang kamay mo nang mahigpit. Mahirap magpulot ng mga baryang nahulog dahil mahiyain kang mag-abot (tatlong beses na ‘kong dumudukot ng mga bayad na naihulog sa basurahan).

4. (Magbasang mabuti, teknikal ‘to…) Kapag ikaw ang “out” sa jeep at konting part na lang ng puwit mo ang nakasampa pa sa upuan, mahihirapang mag-balance ang mga katabi mo dahil walang sandalan ang balikat/tagiliran nila. Maitutulak sila ng force ng mga tao sa tabi nila, kaya kakailanganin nilang a) ipatong ang kamay nila sa likod ng puwit mo, o b) medyo umakbay sa’yo at ipatong ang kamay nila sa bintana. Ang nagagawa ko lang tungkol dito ay tumabi sa babae kapag ako ang kulelat at kailangang sumiksik.

Hindi lang naman sa mga babae mahirap ang setting na ‘to, actually medyo naaawa din ako sa mga lalaking apologetic kapag feeling nilang akala mo binabastos ka nila. Minsan nga naiisip ko, lalong delikado pa ang mga babae sa mga gaya kong silahis dahil wala silang kaalam-alam… :3


Nagtataeng lapis sa likod ng notebook ko…

hindi ko alam kung ano’ng isusulat dahil bigla ko lang naisipang gumawa ng blog.