muli

isasara ko na ang blog na ‘to. kitakits.


:c

pelikula ni Sir Vim Yapan!! naaatat na ‘ko. ang ganda. </3

i-like mo rito.


NAOKO

wohoaah, last year pa pala ang huli kong post. hindi ko napansin dahil halos linggo-linggo ko namang binubuksan ‘to. minsan, napipindot ko rin ‘yung “new post” button, nagsisimulang magsulat. pero ewan ko ba, parang tuwing may sasabihin ako, bago ko pa matapos sabihin eh gusto ko nang bawiin.


naghintay ako

'paghihintay'. gouache. 2010.

“Ikaw ‘yun, ikaw ‘yun talaga. Pero bakit hindi mo alam?”


time capsule

nagkita-kita kami kanina ng mga kaibigan ko mula high school. isa o dalawang taon na yata mula noong huli kaming nagkita. ang dami tuloy naming napag-usapan dahil naipong lahat: enumeration ng mga kaklaseng may anak na (o model na sa poster ng kinainang fastfood), mga pinasukang trabaho, mga nagdaang manliligaw, etc.

naalala ko pa noong high school, binalak naming gumawa ng time capsule na lalagyan ng memorabilia para ibaon sa lupa. tapos after ten years, huhukayin namin para makapag-senti sa mga pinaglalagay namin sa time capsule (“naalala niyo, ito yung first blah blah blah?”). malamang sa anime namin natutunan yun, dahil dun naman namin madalas natututunan ang maraming bagay. kami yung tipo na bumubuo ng grupo kasama ng iba pang geeks para magbahaginan ng balita at iniisip tungkol sa anime/final fantasy (binabati namin ang mga anime/ff characters sa birthday nila. ganoon kami kalala). anyway, hindi namin naituloy yung time capsule.

detail, slumber party. 2007. digital.

five years na ang nakalipas mula nung balakin naming gumawa ng time capsule. matapos ang matagal na pagpaplano sa kung ano’ng ilalagay (makalumang studio pic na naka-school uniform pa lahat, with braces) o saan ibabaon (naitanong na ang “mahal ba yung mga lupa sa sementeryo?”), napabayaan na lang, at after 5 years nanatiling ideya pa rin. nang mabatid ko na nalipasan na nga ng limang taon yung plano, nasayangan ako sa panahon. naisip ko, “shet, kung nagawa na namin dati pa, e di limang taon na lang puwede nang buksan.” medyo nalungkot akong hindi namin maituloy-tuloy (“‘pag sa bakuran kasi namin kakalkalin ng aso”). naaliw ako nang husto sa ideya na balang araw, may bubutingtingin kami at maghahalakhakan/mag-aasaran kami na parang mga magkakaibigan sa anime o manga.

astig lang dahil kahit ang tagal naming hindi nagkita, hindi naman kami naging awkward. yung tipong ang tagal niyong di nagkita, tapos magkikita kayo pero hindi mo na alam kung ano’ng puwede niyong pag-usapan dahil wala ka nang alam (o pakialam?) sa buhay niya. yung puro inside joke kayo tapos pag naubusan kayo, mahihirapan na kayong buhayin yung usapan ulit. tipong gustuhin mo man na maging BFF ek-ek pa rin kayo, may mga bago lang talagang espasyo sa buhay niya na hindi mo na saklaw, at palaki yun nang palaki habang tumatagal. ikinatakot kong mangyari ‘yon sa’min ng mga kaibigan ko, pero buti hindi pa naman nangyayari kahit ilang taon pa kaming hindi magkita.

malamang, kukulitin ko na naman yung mga kaibigan ko tungkol sa time capsule na ‘to. hindi ko alam kung matutuloy na, ngayong uso naman na ang airtight na ‘lock and lock’ na puwedeng ibaon sa lupa nang hindi papasukin ng insekto o germs. malaki rin naman ang posibilidad na makaligtaan na naman namin at hindi maasikaso. pero sa totoo lang, okey na rin sa’kin yung ganito lang, yung isip lang kami nang isip kung ano ba’ng magandang ilagay sa lecheng time capsule na ‘yan.

mukhang hindi rin naman namin kakailanganin ng time capsule para maging ice-breaker sa mga reu-reunion na ‘yan. palagay ko masuwerte lang kami na nagkakila-kilala kami sa tamang panahon. nakailang oras na rin kaming naka-4-way call (noon, may panahon  pa kami para sa mga 11-hour telethon na walang babaan). marami na kaming napanood at nabasa nang sabay na bumuo na sa kani-kaniyang realidad o mundo namin. kaya may bahagi ng mga sarili namin na maiiwan para lang sa isa’t isa, kung posible man ‘yon, at gaano man kakorni pakinggan. hindi man sa mundo ng materya, meron naman talagang time capsule.

2008, color pencil.

meanwhile, puwede ninyong isalin ang post na ito sa ingles using google translate, kung bored kayo o nangangailangan ng ebidensiyang hindi pa puwedeng maghari ang mga computer sa mundo.


labinlimang pelikula

The rules: Don’t take too long to think about it. Fifteen films you’ve seen that will always stick with you. List the first fifteen you can recall in no more than fifteen minutes.

T*@#$#@42~! seryosong 15 lang? nagluluksa na ako sa mga pelikulang di ko ilalagay dito, at sa mga pelikulang di pa pinapalabas bago ko maitatak sa cyber history ang mga pelikulang mahahalaga sa’kin. kaya ito na ang listahan ng mga pelikulang tumatak sa akin bukod sa the little mermaid (1989) na given na kaya di ko binilang.

1. Imortal (1989)

inakala ni eddie garcia (direktor) na chaka/super futuristic na ang fashion sa 2000s… at nabuhay siya para makitang mali siya.

2. The Godfather Trilogy

ampogi ni robert de niro.

3. Die Hard 1-4

“Yippee-ki-yay, motherf**ker.”

4. A Christmas Carol (2009)

1. 9 years ko nang binabasa tuwing pasko ‘yung libro,
2. dahil bisperas ng pasko, at mukhang konti lang ang losers na nasa sinehan… gaya ko na dickens fan, at isang kalbong exhibitionist.

5. The Opposite Sex (1956)

mahilig ako sa 40s at 50s movies, lalo kay june allyson (mas magaling na joe kaysa kay katherine hepburn) at judy garland.

6. Sunset Boulevard (1950)

malungkot makakita ng babaeng malungkot.

7. The Silence of the Lambs (1991)

maraming dahilan.

8. 時をかける少女 – The Girl Who Leapt Through Time (2006)

9. 下妻物語 – Kamikazee Girls (2004)

pogi si anna tsuchiya dito.

10. Dodgeball (2004)

“Oh, now he’s a philosophizer.”

11. Drunken Master 1 (1978)

actually lahat ng lumang “authentic” kung fu films gaya ng snake in the eagle’s shadow. there’s more kung fu in the credits part of snake… than in the whole frikkin duration of karate kid.

12. I Am Sam (2001)

beatles at luha.

13. Shop Around the Corner (1940)
ganito ang mga romantic comedy na trip ko. kung gusto niyo ng mas recent na version, panoorin ang you’ve got mail.

14. Monsters Inc. (2001)

15. 10 Things I Hate About You (1999)

kaya ko lang binasa si sylvia plath, dahil pinangarap kong maging si kat.


sige na nga

UrrrrRRGH923s$354%#$@! TT__TT

kahit ayaw ko sana talaga, di ko na talaga matiis yung kapangitan ng URL ng bago kong blog, kaya napabalik ako dito. bahala na si lam-ang sa mga unwanted forces.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.